Search
  • MISMO Financials

Anong ending ng plate number ng sasakyan mo?

Nakarehistro ka na ba?


Ito ang mga dapat tandaan. BUWAN/MONTH kung kelan magparehistro at DEADLINE para walang multa o penalty sa LTO.




Kung ang huling numero ng plate no mo ay:

1 - January 2 - February 3 - March ️4 - April ️5 - May 6 - June 7 - July ️8 - August ️9 - September ️0 - October


Deadline: (on working days of the month) Plate nos. middle digit

1,2,3 - 1st to 7th day 4,5,6 - 8th to 14th 7,8 - 15th to 21st 9,0 - 22nd until last day


Ano man ang sasakyan natin dapat rehistrado kung ito ay gagamitin. Sa pagrehistro ng sasakyan kelangan pumasa sa emission testing at kumuha ng CTPL insurance.


Ano ang CTPL? Ito ay Compulsary Third Party Liability Ano man ang paggagamitan ng sasakyan, pampubliko o pribado, ang mga nagmamayari ng sasakyan ay kelangan kumuha ng CTPL bago iparehistro sa LTO.


Ang CTPL ay meron Confirmation of Cover (COC). Ito ay naglalaman ng basic information gaya ng sumusunod: 1. Vehicle Owner/ Assured 2. Vehicle's information 3. Limit of Insured's liability 4. Schedule of indemnities payable for bodily injury


CTPL para sa mga pribadong sasakyan ay meron death benefit cover na P100,000 para sa third-party victims. Maliban sa death cover, ang CTPL ay meron medical at hospital benefits, as well as coverage for permanent disability and dismemberment. Tandaan din po natin, ang CTPL ay hindi magagamit sa pansariling damage. Ibig sabihin, kung ang driver ang may pinsala, hindi magreresponde ang CTPL.


Lumapit sa iyong ahente at alamin ang nilalaman ng inyong nabiling insurance. Ito ay may malaking pakinabang. Hindi lamang ito para sa requirement sa pagrehistro ng sasakyan. Maari din kayong tumawag saaming opisina o magsend ng message saaming facebook page para sa inyong mga katanungan o kung nais niyong magrenew o kuhanan ang inyong bagong sasakyan ng Insurance.




42 views0 comments

Recent Posts

See All